Narito ang mga claims ng Roman Catholic Church (Katoliko) patungkol sa pagkakaroon natin ng Biblia:
- “Look, the fact is, the only reason you and I have the New Testament canon is
because of the trustworthy teaching authority of the Catholic Church…” (catholic.com) - “The only authority which non-Catholics have for the inspiration of the Scriptures is the authority of the Catholic Church.” (The Faith of Millions, p. 145)
- “It is only by the divine authority of the Catholic Church that Christians know that the scripture is the word of God, and what books certainly belong to the Bible.” (The Question Box, p. 46)
- “It was the Catholic Church and no other which selected and listed the inspired books of both the Old Testament and the New Testament…If you can accept the Bible or any part of it as inspired Word of God, you can do so only because the Catholic Church says it is.” (The Bible is a Catholic Book, p. 4).
Dahil dito ay malimit nating naririnig mula sa mga Catholic defenders na utang na loob daw natin sa Simbahang Katoliko ang pagkakaroon natin ng Biblia ngayon.
Ugali ng unang iglesia maraming siglo bago magkaroon ng Simbahang Katoliko
Sa aklat ng Revelation ay mababasa natin ang isa sa mga katangian ng unang iglesia:
“Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila’y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan; “
Revelation 2:2 ABTAG
Dalawang katangian ang binanggit ng Dios bilang commendation sa iglesia sa Efeso: ayaw sa mali at sinusubok ang mga nagpapanggap.
Ganito rin ang commendation na binigay ni Apostle Pablo sa mga taga Berea:
“Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.”
Acts 17:11
Ibig sabihin ay maraming centuries bago pa man magkaroon ng Roman Catholic Church ay ugali na ng mga unang Kristiano na kilatisin kung sino ang mga huwad na mangangaral at may mga maling aral o epistles o letters na ikinakalat sa mga iglesia. Ang mga nasumpungang bulaan ay tanggal sa listahan ng Biblia.
Ang Simbahang Katoliko ay walang kinalaman sa pagbuo ng Old Testament
Pagdating ni Jesus ay buo na ang mga aklat ng Old Testament. Maraming quotations na kinuha ang Panginoong Jesus mismo mula sa Old Testament, maging ang mga apostles ay gayon din. Walang duda sa kanila kung ano-anong mga aklat ang kabilang sa Old Testament.
Ano ang pinagbabasehan kung ang isang aral o epistle ay karapatdapat o hindi?
Ang kauna-unahang written document na kung saan pinagbasehan ang mga sumunod na lumitaw at lilitaw pang mga aral o aklat kung tama o hindi ay sinulat mismo ng daliri ng Dios. Ito ay walang iba kundi ang Sampung Utos.
Mula ng ibigay ang Sampung Utos ay ito na ang pinagbabasehan kung ang isang lumilitaw na aral o aklat o epistle ay tama nga ba o hindi.
“To the law and to the testimony: if they speak not according to this word, it is because there is no light in them.”
Isaiah 8:20 KJV
Kapansin-pansin na naunang isinulat ang kautusan, ibig sabihin ang testimony na dapat paniwalaan rin ay umaayon din dapat sa kautusan. Ang kautusan at testimony ay dapat may harmony, hindi kontrahan at nagkakaisa dapat ang kanilang inaaral. Malalaman lamang kung ang isang testimoy ay tama o mali kung ito ay sumususog sa kautusan ng Dios.
Sa Old Testament pa lamang ay ito na ang panukat ng bayan ng Dios kung ang isang mangangaral o lider na may taglay na mensahe ay karapat-dapat o hinde. Noon pa lamang ay ginagawa na nila ito. Ito rin ang ipinamalas ng mga unang Kristiano noon. Sa mga panahong ito ay wala pang Roman Catholic Church na nag-e-exist.
Ano ang ginawa ng Simbahang Katoliko sa Sampung Utos ng Dios?
Nagkaroon ng dagdag-bawas na ginawa ang mga tao sa Sampung Utos na mismong daliri ng Dios ang ipinangsulat.
Iyong ikaapat ay ginawa nilang ikatlo at masyado nang pinaikli dahilan upang malayo ang mga tao sa totoong araw ng Sabbath ng Dios. Iyon namang ikasampu ay hinati sa dalawa. Iyong ikatlo na nagbabawal sa pagsamba sa mga imahen at dios-diosan ay tinanggal. Sampu pa rin kung susumahin, pero adulterated na.
Makikita mo yang Catholic version ng Sampung Utos sa harap ng kanilang mga simbahan.
Nais singitan ng Simbahang Katoliko ng mga huwad na aklat at aral ang Biblia
Sa halip na palakasin ay mas pinahina ng Simbahang Katoliko ang Biblia sa kanilang pagdaragdag ng ilang mga aklat. Ang ilan sa mga isiningit ay ang aklat tulad ng Judith, Tobith, Maccabees, at iba pa. Tinatawag ito ngayon na Apocrypha. Ang mga ito ay sinubok at natagpuang hindi naayon at karapatdapat mapabilang sa Biblia.
Paano nasabing huwad ang mga aral na taglay ng mga aklat na ito? Isa lamang ang panukat: kautusan ng Dios na isinulat mismo ng Kanyang daliri.
Dito ay makikita din natin na hindi mahalaga sa isang Kristiano kung Katoliko o Mormon o kung sino mang pilato ang nag-canonized ng Biblia. Katunayan nga nang may idinagdag ang Simbahang Katoliko na mga aklat sa Biblia tulad ng nabanggit sa itaas ay hindi ito tinanggap ng mga Kristiano, so nasaan ang authority ng Simbahang Katoliko sa bagay na yan?
Dahil sa pagdaragdag ng mga aklat na may maling aral ay walang karapatan umangkin ng ‘authority’ ang Simbahang Katoliko patungkol sa Biblia.
Pilit itinago ang Biblia sa mga karaniwang tao
Sa history ay Dark Ages ang tawag natin dito na kung saan pine-persecute ang mga ordinaryong tao na may hawak ng Biblia. Para sa kanila ay tanging ang mga pari at scholars lamang ang dapat nagbabasa ng Biblia.
Ito ay katuparan ng hula sa Revelation 11 tungkol sa Dalawang Saksi:
“At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila’y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.”
Revelation 11
Ang pagsusuot ng magaspang na kayo ay simbolo ng pagluluksa. Bagaman buhay pa rin at nangangaral ang Dalawang Saksi na ito (Old and New Testaments) sa panahon ng Dark Ages (1,260 years) ngunit may kahirapan nila itong nagawa.
Ganunpaman, ayon din sa prophecy ng Revelation ay hindi magtatagumpay ang pagsupil sa Biblia:
“At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila’y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.”
Revelation 11:11
Matapos ang pamamayagpag ng Roman Papacy ng 1,260 years ay sinaktan ito ng “sugat na tila ikamamatay” sa pamamagitan ng French Revolution, at pagkatapos ng ilang taon lamang ay lumitaw na ang iba’t-ibang Bible societies na naglimbag ng libo-libong kopya ng mga Biblia para sa mga ordinaryong tao.
Utang na loob natin sa Dios ang Biblia, hindi sa Simbahang Katoliko
Dahil dito ay hindi natin utang na loob sa Simbahang Katoliko ang pagkakaroon natin ng Biblia ngayon. Ang paglayo nila ng Biblia sa mga karaniwang tao noong Dark Ages, pag-persecute sa mga ordinaryong tao na may access sa Biblia, pagdagdag ng mga aklat na hindi naman naaayon, at pagbago sa Sampung Utos ng Dios ay sapat na upang sabihin na ang kanilang pag-angkin ng “authority” ay walang saysay.
Sa Old Testament pa lamang ay may may iniwan na ang Dios na batayan o standard para malaman kung ano ang tama at maling aral, ito ay walang iba kundi ang Sampung Utos ng Dios.
Meron na rin established na pamamaraan ang bayan ng Dios maging sa Old at New Testament upang hindi malinlang ng mga bulaang nagtuturo, ito ay sa pamamagitan ng masusing pagkilatis at pagsusuri.
Kung meron mang mga tao na pagkakalooban natin ng utang na loob sa pagkakaroon ng Biblia, ito ay walang iba kundi ang mga taong nagsakripisyo upang isulat ang mga mensahe ng Dios para sa atin, isama na natin ang mga nagbuwis ng buhay upang mapangalagaang sagrado at hindi adulterated ang Biblia ng mga maling aral.
Sa Dios tayo tanging may utang na loob sa pagkakaroon natin ng Biblia dahil Siya ang Author nito. Purihin ang Dios na may Akda ng Biblia! Amen!