Colossians 2:16 At Ang Ikapitong Araw Na Sabbath
Ang moralidad ay hindi dapat tinatapos, otherwise imoralidad ang kahahantungan. Ang ikapitong araw na sabbath ay bahagi ng kautusang moral.
Ang moralidad ay hindi dapat tinatapos, otherwise imoralidad ang kahahantungan. Ang ikapitong araw na sabbath ay bahagi ng kautusang moral.
Ang paglilikat bang ito ay pang walang hanggan? Hindi po. Dahil nakita naman natin kung paano ang Panginoong Jesus mismo ay tumupad ng utos ukol sa Sabbath.
Dios ang nagtakda ng araw ng pangilin, dapat lamang tayong sumunod kung talagang itinuturing natin Siyang Dios ng ating buhay.
Si Jesus ay ipinanganak na Judio, at ang isa sa mga utos na mahigpit na sinusunod ng mga Judio hanggang sa ngayon ay ang pangingilin at pagsamba sa Dios sa araw ng Sabbath.
Hindi lamang sa ginamit ni Apostol Pablo ang pagkakataon na hikayatin ang mga nasa templo sa tamang aral at pagsunod kay Kristo, ngunit malinaw rin sa talata na kaugalian niya ang pumunta sa templo tuwing Sabbath (o Sabado) upang mangilin at sumamba sa Dios.
Ang pag-iipon ng iaambag nila ay ginagawa sa unang araw pa lamang ng sanlinggo. Kung may kinita sila sa ikalawang araw o ikatlo at gustong dagdagan ang kanilang ambag ay maaari nilang gawin dahil hanggang sa puntong iyon ay nag-iipon pa lamang sila ng iaambag.
Hindi lamang "Lord's day" ang isinulat para sa seventh-day Sabbath, kundi may idinagdag pang "holy" dahil ang Lord's day ay totoong banal, kaya tamang-tama ang "Lord's holy day"! Ito ay sapat na, mula sa bibig mismo at pang-akin ng Dios.
Ang "anumang gawa" ay mga gawaing pansariling lakad at paghahanapbuhay. Ang pagtulong sa kapwa, pagpapagaling, pangangaral, pagsamba sa Dios at iba pang mga gawaing nakalulugod sa Dios ay maaaring gawin sa araw ng Sabbath.