Malachi 4:4: Ang Sampung Utos ay kautusan ni Moises? Malinaw sa talata na ito ay yaong mga "mga palatuntunan at mga kahatulan". Walang palatuntunan o kahatulan na mababasa sa Sampung Utos ng Dios.
Ang Sampung Utos ba ay inamiyendahan o pinaltan sa panahong Kristiano? Bakit kailangang amiyendahan ang isang "holy, correct" at "perfect" na kautusan? Dito pa lamang ay makikita na natin na taliwas ang kanilang aral sa mga talata ng Biblia.