Kung Dios si Jesus at namatay Siya sa krus, eh di namamatay ang Dios? Ang namatay sa ating Panginoong Jesus ay hindi ang Kanyang kalagayang Dios sapagkat ang Dios ay hindi namamamatay. Ang namatay sa Kanya ay ang kanyang kalagayang tao.
Mahalaga ba sa kaligtasan na mabigkas ng tama ayon sa original language ang pangalan ng Dios? Ang ating kaligtasan ay hindi nakadepende sa pagbigkas natin ng pangalan ng Dios.
Sinabi ba ni Jesus na Siya ay Dios mula sa Kanyang bibig mismo? Opo! Maliban na lamang na mapasubalian ang katotohanan sa Revelation 22:16 na si Jesus ay Alpha at Omega ay dapat nating tanggapin na totoo at tunay na Dios si Jesus ayon na mismo sa Kanyang binitawang mga salita at...