Pwede ng kainin ang baboy (o mga akatharton) basta’t ipanalangin lamang? ( 1 Timoteo 4:1-5)

1-Timoteo-4-1-5

1 Timoteo 4:1-5 TAB:

“Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;

Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.

Sapagka’t ang bawa’t nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:

Sapagka’t pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.”

Inaakala ng iba na ang mga talatang ito ay pumapatungkol laban sa mga SDAs dahil sa pagbabawal umano ng samahang ito sa mga miyembro na kumain ng karne.

3 Dahilan kung bakit ang 1 Timoteo 4:1-5 ay hindi laban sa SDAs

Sa mga nag-aaral ng malalim sa Biblia ay hindi nila ibinabato ang mga talatang ito laban sa SDA dahil na rin sa tatlong mga kadahilanan:

  1. Walang aral ang SDA Church ng pagbabawal sa mga miyembro na kumain ng karne. Malaya ang mga miyembro na kumain ng mga pagkain na kung ituring ng Biblia ay ‘bromah’ o malinis tulad ng karne ng manok, tupa, o baka.
  2. Walang pagbabawal ng pag-aasawa na itinuturo sa SDA Church.
  3. Ang sinusunod ng mga SDAs ay ang dietary o health principles ng Biblia.  Kung ipipilit ay lalabas na ang mga dietary at health laws ng Bibila ay “mga aral ng demonyo” kung susundan ang reasoning ng mga tumutuligsa sa SDAs gamit ang 1 Timoteo 4:1-5. Huwag nawang mangyari.

Sa tatlong naisulat sa itaas ay sapat na upang sabihin na ang mga talata ng 1 Timoteo 4:1-5 ay hindi pumapatungkol sa SDAs. Kung magkagayon ay ano ang tunay na mensahe ng mga talatang nabanggit?

Ano ang nais sabihin ni Paul sa 1 Timoteo 4:1-5?

Binibigyan ng warning ni Paul ang kanyang mambabasa na balang araw ay magkakaroon ng pagtalikod sa pananampalataya. Ang pagtalikod na ito ay may basbas ni Satanas. Ang mga palatandaan ng pagtalikod ay makikita sa ilang mga aral na inilista ni Paul: pagbabawal sa mga pagkaing pwede namang kainin ayon sa panuntunan ng Dios, at pagbabawal sa pag-aasawa.

May alam ba kayong samahang panrelihiyon ngayon na ipinagbabawal ang pag-aasawa sa ilang mga miyembro nito? at minsan ay itinuturo rin ng pag-iwas sa pagkain ng karne lalu na sa mga mahal na araw?

Ano ang “karne” na itinutukoy ni Pablo?

Kailanman ay hindi iisipin ng mag-aaral ng Biblia na itinuturing ni Pablo na aral ng demonyo ang mga dietary o health principles ng Biblia. Kung magkagayon ay ano ang pinatutungkulan ni Pablo sa salitang “food” o “pagkain” o “lamangkati”?

Sa KJV ay ginamit ang salitang “meat”, at sa original na pagkakasulat ay “bromah” ang salitang ginamit at hindi “akatharton”.

Ano ang pagkakaiba ng “bromah” at “akatharton”?

“akatharton” (Gk. ακαθαρτον) – foul, unclean, forbidden (Acts 11:8)
“bromah” (Gk. βρῶμα) – allowed meat, clean, food (1 Corinthians 10:3)

Ang halimbawa ng mga karne sa category ng bromah ay mga karne ng manok, tupa, o baka. Ang halimbawa naman ng mga akatharton ay ang baboy, ahas, daga, at iba pa.

Kaya nang sabihin ni Pablo na “at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati…” ang pinatutungkulan niya na mga lamangkati ay mga bromah o malilinis at nararapat kainin.

Nangangahulugan ito na laban si Pablo sa aral na ipagbawal ang bromah o malinis. Hindi dito pinag-uusapan ang mga akatharton tulad ng baboy o ipis o daga. Sa katotohanan ay walang baboy o ipis o salitang “akatharton” na mababasa sa mga talatang nabanggit.

Kung itutuloy ang pagbabasa “na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat” ay tumpak lamang ito dahil ang mga bromah (malinis) ay nilalang ng Dios upang kainin, kaya dapat tanggapin na may pasasalamat.

Hindi naman bromah ang nakasulat sa verse 4

“Sapagka’t ang bawa’t nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil,”

Sa pagkakataong ito ay “bawat nilalang” o “ktisma” na (at hindi “bromah”) ang isinulat ni Paul. Tama po iyon, at hindi rin naman “akatharton” ang nakasulat kaya hindi pa rin lulusot ang reasoning na “kahit baboy o aso ay pwede ng kainin basta’t tanggapin lamang ng may pasasalamat”.

Matapos maipaliwanag ni Paul ang issue sa pagkain ay mas naging “generalize” na siya sa verse 4. Ibig sabihin ay hindi na sa issue ng pagkain lamang. Tandaan natin na may isa pang issue na tinatalakay si Paul, ang pagbabawal sa pag-aasawa.

Ang babae o lalake ay ginawa upang maging kasama sa buhay, hindi para itakwil. Ang baboy o daga o ahas, bagaman hindi pagkain, ay may layunin itong ginagampanan at sa layuning ito ay hindi ito dapat itakwil kundi ay dapat pasalamatan.

In general, nais sabihin ni Paul na ang lahat ng mga bagay ay may kanya-kanyang purpose at dapat itong pasalamatan. Lahat ng nilalang ng Dios ay mabuti, ngunit hindi ibig sabihin na lahat ay pwede nang kainin.

Ang tao ay kasama sa “ktisma” o “creature”, dapat na bang kainin ang tao basta’t ipanalangin at pasalamatan muna? Huwag nawang mangyari. Kaya mahalaga na pag-aralang mabuti ang mga talata upang hindi tayo mailigaw ng mga kuro-kuro at madaliang conclusion.

Walang salitang “akatharton” na mababasa sa 1 Timoteo 4:1-5. Ibig sabihin ay walang “baboy o daga o ipis” na pinag-uusapan dito na umano ay pwede nang kainin.