Ito po ang meaning ng mga sangkap na makikita sa logo ng PAG-ARALAN NATIN:
- OPEN BIBLE- nagre-represent sa salita ng Dios at sa Katotohanan na dapat matagpuan at suriin ng tao.
- MAGNIFYING GLASS- nagre-represent sa matiyaga at maingat na pagsusuri at pagsasaliksik sa salita ng Dios.
- THREE WAVE LINES- nagre-represent sa walang hanggang mabuting balita na dala ng tatlong sinugong Angel sa Apoc. 14:6-10
- LIWANAG NG ILAWAN- nagre-represent sa Banal na Espitu na hindi humihiwalay sa mabuting balita na dala ng Tatlong Angel. Siya rin ang gumagabay sa tao upang makita ang liwanag ng katotohanan tungkol sa kaligtasan.
- KRUS- ito ay nagpapaalala sa atin tungkol sa pagtubos ng ating Panginoong Jesus na siyang sentro ng Biblia. Dito nabuhos ang Kanyang dugo upang tayo ay maligtas.
- HEBREW AT GREEK ALPHABET- nagre-represent sa Old and New Testament ng Biblia. Nagtuturo din ito sa atin upang balikan ang original at tamang mensahe ng Dios sa atin base mismo sa tamang kahulugan ng mga talata.
- HEBREW TEXT – “Search the scriptures; for in them ye think ye have eternal life: and they are they which testify of me.” John 5:39
Uunawain po natin ang salita ng Dios base sa kaisipan ng mga sumulat nito at hindi ayon sa ating sariling pananaw. Aakayin nito ang bawat tao na magkaroon ng interest sa salita ng Dios. Ang panawagan sa atin ay PAG-ARALAN NATIN ng mabuti.
Thank you:
Bro Dave Gaurino
Joel Manginsay Ytang
Mazel Longcayana
Ramie Gerong
Rhian B. ParreƱo