Si Jesus ay may iba’t-ibang pangalan
Sa Biblia ang pangalang pantangi ng isang tao ay totoong mahalaga. Ito ay may kaakibat na kahulugan na mas lalung nagpapalinaw ng mensahe ng istorya o aral na nais ng Dios na iparating sa atin.
Halimbawa na ang mga pangalang ibinigay sa ating Panginoong Jesus. Maaari namang isang pangalan na lamang ang gamitin ng ating Panginoong Jesus ngunit gumamit pa ang Biblia ng iba’t-iba pa.
Ang Emmanuel na nangangahulugang “God with us” ay idinidiin ang pagiging malapit na presensya ng Dios sa atin sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng ikalawang Persona sa Ka-Diosan, si Jesus.
Bilang dagdag na adventure sa ating pagaaral ng Salita ng Dios ay unawain natin ang mga kahulugan at significance ng mga pangalan na involve sa ating sinusuring mga topiko sa Biblia.
Ano significance nito sa pangalan ng iglesia?
Ano significance nito sa pangalang pantangi ng tunay na iglesia ng Dios sa kapanahunan natin?
Marami kasing nangangaral ngayon na binibigyan ng mas prioridad ang pangalang pantangi ng iglesia kaysa sa aral na taglay, na kapag hindi daw “Iglesia ng Dios” o “Iglesia ni Cristo” ang pangalang pantangi ay mali o huwad na samahan na ito.
Pinapakita natin na totoong mahalaga ang pangalan at meaning nito, ngunit hindi ito ang basehan kung tunay o peke ang isang samahang panrelihiyon.
Kung ang mga pangalang pantangi ng mga mahahalagang tao sa Biblia ay nagpa-ibaiba at wala namang problema doon ay bakit hindi naman pwede sa iglesia ng Dios?
Pinapakita lang na pwedeng mabago ang pangalang pantangi at hindi ito issue sa Dios. Pero siempre ang pangalan ay dapat naayon rin sa tama.
Halimbawa ng mga kaibigan ni Daniel
Kung matatandaan natin ang tatlong mga kaibigan ni propeta Daniel na sina Hananiah, Mishael, at Azariah nang sila ay mabihag sa Babilonia ay pinaltan ang kanilang mga pangalan.
“The chief official gave them new names: to Daniel, the name Belteshazzar; to Hananiah, Shadrach; to Mishael, Meshach; and to Azariah, Abednego.” Daniel 1:7 NIV.
Hindi lang basta simpleng pangalan ang ipinalit ngunit ikinapit pa ito sa mga dios-diosan ng Babilonia. At sa mga pangalang iyon mas kilala sila kahit ng mga Kristiano ngayon.
Bagaman iniba ang kanilang pangalang pantangi ay tuloy pa rin sila sa kanilang pananampalataya sa tunay na Dios, at hindi naman sila binigo ng Panginoon. Muli ay hindi issue sa Dios ang mga panlabas na katangian tulad ng sa pangalan.
Nagpapatunay lamang ito na bagaman mahalaga ang pangalang pantangi ngunit hindi ito ang basehan ng totoong sa Dios.
Ang Dios ay tumitingin sa puso
“… sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso.” 1 Samuel 16:7 TAB.
Malinaw na ang Dios ay tumitingin sa puso, hindi lamang sa panlabas na pagkakakilanlan.
Kung ia-apply natin ito sa iglesia ay aral ang dapat na mas mahalaga kaysa sa panlabas na katangian tulad ng pangalan.
“Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, aymakikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.” Juan 7:17
Maging si Satanas man ay kayang gumamit ng pangalan ng Dios. Ngunit ang isang bagay na kailanman ay hindi niya magagawa ay sundin at ituro ang lahat na dalisay na aral ng Dios.
Kaya nga naniniwala tayo na bagaman mahalaga ang pangalan ngunit hindi ito basehan kung ang samahan ay sa Dios o hindi.
Aral ang pagkakakilanlan ng tunay na sa Dios at hindi pangalan.