Kung Dios ang ating Panginoong Jesus at Siya ay namatay sa krus upang tubusin tayo sa pagkakasala, ibig bang sabihin nito na ang Dios ay namamatay?
Dapat tayong magpasalamat sa kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Kristo sapagkat dahil sa Kanyang kamatayan tayo ay nagtamo ng kaligtasan (Roma 5:8-10, Isaias 53:3-5).
“But God demonstrates his own love for us, in that while we were still sinners, Christ died for us.” Romans 5:8 NET
“He was wounded because of our rebellious deeds, crushed because of our sins; he endured punishment that made us well; because of his wounds we have been healed.” Isaiah 53:3 NET
Maraming talata sa Biblia na nagpapakilala na Dios ang ating Panginoong Jesu-Kristo (Juan 1:1-3, 14, Isaias 9:6, John 1:18 NIV, Tito 2:13, Apoc. 1:8,17, 1 Juan 5:20 at marami pang iba).
Ngunit ang pagkamatay ng ating Panginoong Jesus sa krus ay hindi nangangahulugang namatay rin ang Dios.
Tandaan natin na ang ating Panginoong Jesus ay nagkatawang tao (Juan 1:1, 14). Sa Kanyang pagkakatawang tao taglay Niya ang dalawang likas na kalagayan: ang kalagayang tao at ang kalagayang Dios.
Ang Kanyang kalagayang Dios ay walang pinagmulan at wala ring katapusan. Ngunit ang Kanyang pagiging tao ay nag-umpisa lamang noong Sya ay ipinanganak ni Maria.
Ang namatay sa ating Panginoong Jesus ay hindi ang Kanyang kalagayang Dios sapagkat ang Dios ay hindi namamamatay. Ang namatay sa Kanya ay ang kanyang kalagayang tao.
“Sapagka’t si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo’y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni’t binuhay sa espiritu”
1 Peter 3:18
Kaya hindi dahil namatay si Jesus ay hindi na Sya Dios, o ang Dios ay namamatay. Sapagkat ang namatay lamang sa Kanya ay ang Kanyang kalagayan bilang tao at hindi ang kalagayan bilang Dios.
Si Jesus ay pinatay sa laman.
Salamat sa Dios dahil ibinigay Nya ang Kanyang Anak upang tayo ay magkaroon muli ng bahagi sa isang tahanan na ligtas sa kasalanan at kapiling Sya ng walang hangganan.