Iba’t-ibang pangalan ng P. Jesus at ang pangalan ng iglesia

iba ibang pangalan ng P jesus at ang pangalan ng iglesia

Alam natin na ang Ikalawang Persona sa Kadiosan ay tinawag sa iba’t-ibang pangalang pantangi.

Narayan ang “Jesus” na ang ibig sabihin ay Tagapagligtas. Pinangalanan rin Siya na “Emmanuel” na ang ibig sabihin naman ay “God with us”.

Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang pangalang pantangi para sa Panginoong Jesus ay hindi issue o problema. Manapa ay mas lalu itong nagpapakilala kung sino talaga ang Ikalawang Persona sa Ka-Diosan. Sa dalawang pangalan na binanggit natin sa taas ay makikita natin na si Jesus ay hindi lamang Tagapagligtas bagkus nagpapaalaala rin na ang Dios ay malapit sa atin.

Ano ang significance nito sa pangalang pantangi ng tunay na iglesia ng Dios?

Marami kasi ang mga mangangaral ngayon na nagtuturo na dapat daw ang pangalang pantangi ng samahang panrelihiyon ay dapat “Iglesia ng Dios” o “Iglesia ni Cristo” lamang, o dapat daw ay nababasa ng letra por letra sa Biblia, at kung hindi na ay mali na raw.

Ngunit nakita natin mismo sa halimbawa ng pangalang pantangi ng Panginoong Jesus na pwede palang magkaroon ng iba-ibang pangalan o katawagan. Ang malaking dahilan dito ay ang Dios ay hindi tumitingin sa panlabas (tulad ng pangalan) kundi sa character o katangian.

“… sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso.” 1 Samuel 16:7 TAB.

Kung ia-applay natin sa usaping “iglesia”, ay ang Dios tumitingin sa aral na ipinapangaral ng samahan, hindi sa panlabas na pagkakakilanlan, tulad ng pangalan.

“Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.” Juan 7:17

Bagaman mahalaga rin ang pangalang pantangi, ngunit hindi ito ang basehan kung ikaw o ang isang samahan ay totoong sa Dios o hinde.