Sa programa ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo (Manalo 1914) na may pamagat na Ang Pagbubunyag ay kanilang ipinahayag na tapos na o winakasan na raw ang utos ukol sa pangingilin ng ikapitong-araw na Sabbath. Eto ang pangunahing mga talata na kanilang ginamit.
“Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.”
Hosea 2:11
“At kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan; kaniyang sinira ang kaniyang mga dako ng kapulungan: ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at sabbath sa Sion, at hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote.”
Panaghoy (Lamentations) 2:6
Binanggit nga naman sa mga talata ang mga salitang “inalis, pinalimot, papaglikatin”, ngunit tamang aral ba na sabihing tuluyan ng pinatigil ng Dios ang pangingilin ng araw ng Sabbath mula sa talatang nabanggit?
Narito po ang ating pagtutuwid sa maling pagbubunyag ng INC1914. Wala pong mali sa mga talata. Ang mali po ay ang pagka-unawa ng mga ministro na gumagamit ng mga talata.
Paggamit ng Common Sense
Kung tama ang unawa ng mga ministro ng INC(1914) (at iba pang mga mangangaral na gumagamit ng Hosea 2:11 at Panaghoy 2:6 upang ituro na lipas na ang pangingilin ng araw ng Sabbath) ay dapat sa panahon pa lamang ni Hoseas o Panaghoy ay tapos na ang pangingilin ng Sabbath at hindi na nila ito ginagawa. Dapat sa bagong tipan ay wala na tayong mababasa na ang mga Hudyo ay pumapasok pa sa sinagoga o nangingilin ng Sabbath.
Ngunit sa katunayan ay sa panahon ng ating Panginoong Jesus ay nangingilin pa ang mga Hudyo ng Sabbath. Ang ating Panginoong Jesus mismo ay sa ikapitong araw kung mangilin sa loob ng sinagoga.
“At siya’y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, Siya’y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.”
Lukas 4:16
“At nagsipasok sila sa Capernaum; at pagdaka’y pumasok siya sa sinagoga nang araw ng sabbath at nagtuturo.”
Marcos 1:21
Malinaw sa mga talatang ating binasa na meron pa palang pangingilin ng araw ng Sabbath; at ang Panginoong Jesus mismo ang Syang tumupad! Nagpapatunay lamang ito na mali ang unawa at paggamit ng mga talata ng mga ministro ng INC(1914) sa Hoseas 2:11 at Panaghoy 2:6.
Read: Luke 4:16, Nagbasa lamang daw si Jesus at hindi talaga nangilin ng araw ng Sabbath?
Paggamit ng Context Ng Mga Talata
May dahilan kung bakit sinabi sa Hosea 2:11 na papaglilikatin ng Dios ang pangingilin ng araw ng Sabbath. Nasa kasunod na talata ang context.
“She said, “My lovers gave me vineyards and fig trees as payment for sex.” Now I, the LORD, will ruin her vineyards and fig trees; they will become clumps of weeds eaten by wild animals.” CEV
Hosea 2:12
Ang dahilan pala kung bakit pinaglikat ng Dios ang mga mahal na araw ng Israel noon ay ginagawa kasi nila ang mga gawaing banal ngunit ipinaglilingkod nila ito sa mga dios-diosan at hindi para sa tunay na Dios, isang bagay na lubhang hindi nakalulugod sa Dios.
Ang dahilan ay hindi para tuluyang alisin kundi para maingatan ang mga banal na araw laban sa kapabayaan at pag-aabuso. Hindi magsisilbing tamang halimbawa ang maling pangingilin ng Sabbath.
Walang saysay ang pangingilin ng Sabbath kung para sa ibang dios mo naman ito ginagawa. Sa pagsamba sa Dios ay mahalaga na sa totoong Dios ito dapat ipinagkakaloob. Mahalaga rin na kilala mo kung sino ang totoong Kristo na itinuturo ng Biblia.
Tunghayan naman natin ang issue nila sa Panaghoy
“Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya’y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya’y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.”
“Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka’t walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya’y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya’y nasa kahapisan.”
“Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka’t pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.”
Panaghoy 1:3-5
Ayon sa context ng Panaghoy, ang dahilan kung bakit pinaglikat ng Dios ang pagsamba sa tabernakulo at pangingilin ng mga sabbath at mga gawaing banal ay sa dahilang ang bayan ng Dios ay nasa pagkaalipin dahil na rin sa kanilang pagsalangsang sa mga utos ng Dios. Nasasaula ang mga bagay at gawain na banal dahil sa kanilang pagtalikod sa Dios. Ipinaranas sa kanila ng Dios kung paano ang buhay na walang kabanalan.
Ang paglilikat ay pangwalang-hanggan?
Ang paglilikat bang ito ay pang walang hanggan? Hindi po. Dahil nakita naman natin kung paano ang Panginoong Jesus mismo ay tumupad ng utos ukol sa Sabbath.
Mahina ba ang unawa ng ating Panginoon at Kanyang mga alagad na hindi nila naintindihan na di umano ay pinatigil na daw ang pangingilin ng Sabbath? Hindi po.
Ang totoo, maging sa bagong langit at bagong lupa na gagawin ng Dios ay patuloy ang pangingilin ng araw ng Sabbath lalu’t malinis na sa kasalanan ang kalagayang iyon.
“Sapagkat kung paanong ang mga bagong langit
Isaiah 66:22-23
at ang bagong lupa na aking lilikhain
ay mananatili sa harapan ko, sabi ng Panginoon,
gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.
23 At mula sa bagong buwan hanggang sa isa pang bagong buwan,
at mula sa isang Sabbath hanggang sa isa pang Sabbath,
paroroon ang lahat ng laman upang sumamba sa harapan ko,
sabi ng Panginoon.
Conclusion
Ang nagkulang sa pag-unawa ay ang mga ministro na gumagamit ng Hosea 2:11 at Panaghoy 2:6 para i-aral na lipas na raw ang pangingilin ng araw ng Sabbath.
Ipinauna na po sa atin ni Apostol Pedro at ng ating Panginoong Jesus mismo na darating talaga ang araw na meron mga mangangaral na taglay-taglay ang pangalang “Cristo” ngunit maglilikot ng Kanyang mga aral, at marami ang maililigaw.
“At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;
Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulata sa ikapapahamak din nila.”
2 Pedro 3:15
“Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.”
Mateo 24:24-25
Maging matalino po tayo mga kaibigan sa ating pagsusuri. Nararapat na gamitin natin ang context ng mga talata upang hindi tayo maligaw.