Marami ang nagtuturo ngayon na ang kaloob ng panghuhula o gift of prophecy na bigay ng Dios sa iglesia ay hanggang sa panahon ni John the Baptist lamang. Narito ang talatang malimit nilang ginagamit:
Sapagkat ang lahat ng mga propeta at ang Kautusan ay nagsalita ng propesiya hanggang kay Juan, 14 at kung nais ninyong tanggapin, siya ay si Elias na darating. 15 Makinig ang mga may pandinig!
Mateo 11:13 FSV
Ang conclusion na “hanggang kay John the Baptist lamang ang kaloob ng panghuhula” ay ayon sa maling pagkaunawa ng talata sa itaas.
Kung susundan ang context ng nasabing talata, may specific na hulang pinag-uusapan at ito ay walang iba kundi ang mga hula sa darating na Messiah.
Marami pang hula ang binabanggit ng Biblia lalu na ang mga kaganapan sa huling kapanahunan, at ang mga ito ay patuloy na pinapaliwanag ng mga propeta ng Dios. Isa na dito ay si Juan na sumulat ng Book of Revelation.
Kung totoo nga na ang gift of propechy ay itinigil na sa panahon pa lamang ni John the Baptist eh dapat wala na tayong Book of Revelation sa Biblia dahil ang aklat na ito ay isinulat ilang taon ang lumipas matapos ipapatay si John the Baptist.
Bukod dito ay marami pang mga propeta at propetisa ang pinangalanan sa New Testament pagkatapos ni John the Baptist.
Mga conditions ayon kay Apostol Pablo
Ayon kay Apostol Pablo, ang kaloob ng panghuhula (kasama na ang iba pang mga kaloob sa iglesia) ay magwawakas kung maabot na ng iglesia ang ilang mga pamantayan.
Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at mga guro; 12 upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, 13 hanggang makarating tayong lahat sa pagkakaisa ng pananampalataya, at sa ganap na pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang maging taong may sapat na gulang, hanggang sa sukat ng ganap na kapuspusan ni Cristo. 14 Tayo’y huwag nang maging mga bata, na tinatangay-tangay ng mga alon at dinadala-dala ng bawat hangin ng aral, sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang mga katusuhan sa paraang mapandaya. 15 Kundi humahawak sa katotohanan na may pag-ibig, lumago tayong lahat sa kanya, na siyang ulo, samakatuwid ay si Cristo,
Efeso 4:11-15 ABTAG2001
Mananatili ang gift of prophecy (at iba pang mga kaloob ng Holy Spirit) sa iglesia:
- Hanggang makarating tayong lahat sa pagkakaisa ng pananampalataya
- Hanggang sa marating ang ganap na pagkakilala sa Anak ng Dios
- Hanggang maging taong may sapat na gulang (o spiritual maturity)
- Hanggang sa sukat ng gananp na kapuspusan ni Cristo
- Hanggang sa hindi na tinatangay ng iba’t-ibang maling aral
- Hanggang sa humahawak sa katotohanan na may pagibig
Ito ay ilang lamang sa inilista ni Apostol Pablo bilang batayan para sa pananatili ng mga kaloob sa iglesia kabilang na ang gift of prophecy.
Katangian ng huling iglesia
Bukod dito at ayon sa aklat ng Revelation, ang huling iglesiang dadatnan ni Jesus sa Kanyang pagbabalik ay mayroong dalawang pangunahing katangian:
Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus.
Revelation 12:17
Maliban sa itinuturo nila ang pagsunod sa kautusan ng Dios ay taglay rin nila ang patotoo ni Jesus. Ayon na rin sa parehas na aklat, ang “patotoo ni Jesus” ay “espiritu ng propesiya”.
Sa Diyos ka sumamba. Sapagkat ang patotoo ni Jesus ang espiritu ng propesiya.”
Revelation 19:10
Ibig sabihin nito, ang huling iglesia ay nagpapahalaga sa mga salita ng Dios sa pamamagitan ng mga propeta. Ang tunay na iglesia ng Dios ay
Sinusubok muna
Hindi natin dapat itinatakwil o tinatanggap agad-agad kung mayroon mang magpapakila na siya ay pinagkalooban ng panghuhula. Ang payo ng Biblia ay dapat sinusukat muna natin ito.
Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Diyos, sapagkat maraming lumitaw na mga bulaang propeta sa sanlibutan.
1 John 4:1
Pagpapala sa mga nakikinig sa totoong propeta ng Dios
Manalig kayo sa Panginoon ninyong Diyos, at kayo’y magiging matatag. Maniwala kayo sa kanyang mga propeta, at kayo’y magtatagumpay.
2 Chronicles 20:20
Conclusion
Sa maikling pag-aaral na ito ay nakita natin na mali ang paggamit at pagkaunawa ng mga gumagamit ng Mateo 11:13 upang sabihing tumigil na kay John the Baptist ang gift of prophecy.
Nakita rin natin ang gift of prophecy ay mananatili sa iglesia hanngan sa huling kapanahunan. Hindi rin dapat itinatakwil o tinatanggap agad kung sinuman ang magpakilalang propeta, ito ay dapat na sinusubok muna; at kung matagpuang totoo, dapat ay pinakikinggan.
Kung ang ibang mga kaloob tulad ng apostol, ebanghelista, pastor, at guro ay nananatili sa iglesia hanggang sa wakas ay ganun rin sa gift of prophecy, mananatili ito hanggang kailangan ng iglesia.