Narito ang sinasaad ng Colossians 2:16-17
Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: na ang mga ito ay isang anino ng mga bagay na darating, ngunit ang katawan ay kay Cristo.
Colosas 2:16 ABTAG
Therefore let no one judge you in food or in drink, or in respect of a feast, or of the new moon, or of the sabbaths. For these are a shadow of things to come, but the body is of Christ.
Colossians 2:16-17 MKJV
Marahil ay narinig mo na ang talatang ito na ginagamit ng ibang mga mangangaral upang sabihin na ang ikapitong araw na sabbath ay ipinako na raw sa krus at hindi na kelangan pang sundin ng mga Kristiano. Ano nga ba ang katotohanan tungkol dito? Ano ang totoong isinasaad ng mga talata? Pag-aralan natin ang bagay na ito.
Iba’t Ibang klase ng Sabbaths
Sa Biblia ay maraming klase ng sabbaths. Ang mga sabbaths na ito ay maka-classify natin sa dalawa: sabbath na moral (nakapaloob sa Sampung Utos ng Dios – Exodus 20:8-11) at ang sabbath na ceremonial. Sa aklat ng Levitico 23 ay mababasa natin ang iba’t-ibang klase ng sabbaths na ceremonial:
Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga.”
Leviticus 23:24 TAB
Speak to the sons of Israel saying: In the seventh month, in the first day of the month, you shall have a sabbath, a memorial summons, a holy convocation.
Leviticus 23:24 MKJV
Gayon ma’y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo’y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy… magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.
Leviticus 23:27-32 TAB
Also in the fifteenth day of the seventh month, when you have gathered in the fruit of the land, you shall keep a feast to Jehovah seven days. On the first day shall be a sabbath, and on the eighth day shall be a sabbath.
Leviticus 23:39 MKJV
Mga sabbaths pero hindi ikapitong-araw
Ang mga sabbaths na nabanggit ay maliwanag na hindi ikapitong araw ng sanlinggo, at maaring pumatak ng Lunes o anumang araw sa isang linggo. Ang mga sabbaths na ito ay may kinalaman sa mga kapistahan (o feasts) na sinusunod ng Israel noon taon-taon upang magpaalala ng ministeryong gagawin ni Jesus sa hinaharap.
Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa’t isa ay sa kaniyang sariling kaarawan:
Leviticus 23:37 TAB
Ang mga kapistahan (o feasts) na ito ay idinidiwang na may kasamang mga paghahandog: meat offerings, drink offerings, burnt offerings, etc.
And it shall be the prince’s part to give burnt offerings, and meat offerings, and drink offerings, in the feasts, and in the new moons, and in the sabbaths, in all solemnities of the house of Israel: he shall prepare the sin offering, and the meat offering, and the burnt offering, and the peace offerings, to make reconciliation for the house of Israel.
Ezekiel 45:17 KJV
Ang mga ceremonial sabbaths na ito noon ay mga activities o gawain na nagtuturo ng isang mahalagang aral. Ang mahalagang aral na ito ay ang mga gagawing ministeryo ng Panginoong Jesus sa hinaharap.
Sa mga seremonyang ito ay nakasentro ang paghahandog ng literal na tupa na walang dungis. Ang tupang ito ay umaanino (shadow) o nagre-represent sa darating na “Tupang inihandong na minsan” na walang iba kundi ang ating Panginoong Jesus. Ang mga paghahandog ng literal na tupa ay natapos na dahil dumating na ang inaaninuhan o nirere-presentahan nito. Ito ang dahilan kung bakit ang mga gawaing iyon ay tinatawag na seremonya. Anumang seremonya ay natatapos.
Aling sabbath ang tinutukoy sa Colosas 2:16-17?
Ngayong nalaman natin na marami palang uri ng sabbaths sa Biblia ay marapat lamang na itanong kung anong sabbath ang tinutukoy sa Colosas 2:16-17? Makikita natin ang kasagutan sa context mismo ng talata.
Therefore let no one judge you in food or in drink, or in respect of a feast, or of the new moon, or of the sabbaths. For these are a shadow of things to come, but the body is of Christ.
Colosas 2:16-17 MKJV
Ang mga sabbath palang tinutukoy sa Colossians 2:16-17 ay may kinalaman sa mga umaanino (shadows) na ang katuparan ay ang ating Panginoong Jesus. Malinaw na ito yaong mga ceremonial sabbaths noon na tumitingin sa hinaharap–sa ministeriong gagawin ng Panginoong Jesus.
Ikapitong-araw na Sabbath, bahagi ng Moral Law
Ang ikapitong araw na sabbath ay bahagi ng moral law, ikaapat na utos, at hindi umaanino sa ministry ni Jesus sa hinaharap bagkus ibinabalik tayo nito sa Creation. Ang ikapitong araw na Sabbath ay dapat nagpapaalala sa atin na tayo ay nilalang ng Dios. Ang ating existence ay nakadepende sa Gumawa sa atin.
Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin… Sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.
Exodus 20:8-11 TAB
Ang salitang “alalahanin” ay nagpapahiwatig ng pagbabaliktanaw. At ang pagbabaliktanaw ay nakatuon sa Paglalang (Creation). Ito rin ang katotohanang makikita natin nang banggitin ni Apostol Pablo ang ikapitong araw na sabbath sa Hebreo 4.
Sapagka’t sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;
Hebreo 4:4 TAB
Ibinalik ni Apostol Pablo ang mambabasa sa Creation ng banggitin niya ang ikapitong araw na sabbath. Ang lumang tipan at bagong tipan ay nagkakaisa sa pagpapatotoo na ang ikapitong araw na sabbath ay hindi tumitingin sa hinaharap (shadows of things to come), bagkus ito ay nagbabaliktanaw sa nakaraan–sa pagiging Manlalang ng Dios at tayo bilang Kanyang creation.
Nais alisin ni Satanas ang kahalagahan ng ikapitong araw na Sabbath dahil lagi itong nagpapaalala sa tao na may Dios at Manlalalang. Ito rin ang dahilan kung bakit ipinasok niya ang Evolution Theory sa isipan ng mga tao upang malayo ang tao sa katotohanan na meron siyang Manlalalang.
Ikapitong araw na Sabbath, nagpapa-alala ng paglaya sa kasalanan
Sa Deuteronomy 5 ay muling nabanggit ang Sampung Utos. Ngunit sa pagkakataong ito ay ini-emphasize ang paglaya ng Israel mula sa Ehipto, mula sa pagkaalipin.
I am the Lord your God, who brought you out of Egypt, out of the land of slavery.
Deuteronomy 5:6 NIV
Remember that you were slaves in Egypt and that the Lord your God brought you out of there with a mighty hand and an outstretched arm. Therefore the Lord your God has commanded you to observe the Sabbath day.
Deuteronomy 5:15 NIV
Dito ay nakita natin na ang Sabbath ay dapat ring nagpapaalala sa atin ng paglaya natin mula sa pagka-alipin sa kasalanan.
Sa dalawang talatang ating natunghayan (Exodus 20:8-11 at Deuteronomy 5:15) ay ipinapakita sa atin ang dahilan kung bakit ibinigay ng Dios ang seventh-day Sabbath: upang bawat linggo ay maalala natin na ang ating existence ay nakadepende sa ating Manlalalang, at ang ating kaligtasan ay nakadepende sa ating Tagapagligtas na si Jesus.
Ano na lamang ang mangyayari kung aalisin ang ikapitong araw na Sabbath sa isipan ng mga tao? Maaalala pa kaya natin na may Lumalang sa atin? Maaalala pa kaya natin na mayroon tayong Tagapaglitas? Madaling sabihin na ‘oo’, ngunit alam ng Dios ang ating kahinaan, kayat inilagay Niya ito sa Sampung Utos upang ating sundan para na rin sa ating ikabubuti.
Conclusion
Ating natunghayan na sa Biblia pala ay maraming klase ng sabbaths. Atin rin naunawaan na ang sabbath na tinutukoy sa Colossas 2:16-17 ay mga sabbaths na ceremonial na umaanino o nagtuturo sa darating na ministeryo ng ating Panginoong Jesus.
Ang Inaaninuhan o Nire-representahan ng mga ceremonials na ito ay dumating na (si Jesus) kaya nararapat lamang iaral ni Apostol Pablo na hindi na dapat husgahan pa kung nasusunod ang mga gawaing ceremonials o hindi. Kabilang dito ang alituntunin sa paghahandog ng inumin, paghahandog ng pagkain, pangingilin ng mga takdang kapistahan at mga sabbath na ceremonial.
Ang ikapitong araw na sabbath ay hindi seremonya at hindi umaanino sa darating, bagkus ito ay bumabaliktanaw o nagpapaalaala sa nakaraan, sa Creation at pagkalaya natin sa pagiging slave sa kasalanan.
Anumang seremonya ay natatapos. Ngunit ang moralidad ay hindi dapat tinatapos, otherwise imoralidad ang kahahantungan. Ang ikapitong araw na sabbath ay bahagi ng kautusang moral.
Samakatuwid, maling gawain ang ipangaral na sa Colosas 2:16-17 ay ipinako o ipinatigil na umano ang pangingilin ng ikapitong araw na Sabbath. Out of context kung ipipilit dahil sa talata ay mga sabbath na ceremonial ang tinutukoy nito.