Ganito ang nakasulat sa Romans 14:5:
“One person esteems one day as better than another, while another esteems all days alike. Each one should be fully convinced in his own mind. The one who observes the day, observes it in honor of the Lord. The one who eats, eats in honor of the Lord, since he gives thanks to God, while the one who abstains, abstains in honor of the Lord and gives thanks to God.”
Romans 14:5-6 ESV
Ginagamit ito ng marami upang ituro na lipas na raw ang pangingilin ng ikapitong-araw na Sabbath dahil ayon raw sa mga talata ng Romans 14:5-6 ay “tao na ang magpapasya”. Narito ang maikling kasagutan natin sa reasoning na ito.
Context ng Romans 14
Ayon sa context ng buong kapitulo ng Romans 14, makikitang ang pinag-uusapan ay mga ceremonial impurities at mga ceremonial feasts and days.
Kailanman, ang seventh-day Sabbath-keeping ay hindi itinuring ng Biblia na seremonya, bagkus ito ay ginawa ng Dios upang ipaalala sa atin na Siya ang ating Creator at Redeemer. Hindi ito tulad sa paghahandog ng literal na tupa, na dahil si Jesus na ang Passover Lamb na inialay sa krus ay tapos na rin ang literal na paghahandog ng hayop na tupa.
May mga sabbaths na ceremonial tulad ng mababasa sa Leviticus 23, at ito yaong mga annual religious feast days tulad ng Passover at Feast of the Tabernacles na ginagawa noon ng mga Israelita. Hindi dito kabilang ang seventh-day Sabbath.
Transition period
Karamihan sa mga unang Kristiano ay mga Hudyo. May ilan sa kanila na kino-consider pa rin ang mga annual feast days na mahalaga at dapat i-celebrate maging sa panahong Kristiano.
Bagamn itinuro ng mga apostol na ang literal na pag-celebrate ng mga annual feasts ay hindi na required sa panahong Kristiano marami pa rin sa kanila ang ginagawa ito. Nasa transition period ang unang iglesia noon at hindi madaling maalis ang kinagisnang religious ceremonies na centuries ng naging tradition.
Ganunpaman, ang sabi ni apostol Pablo ay huwag husgahan ang kapatid kung itinuturing nyang mahalaga pa rin ang isang araw para sa kanya o hinde. Anumang araw na mahalaga para sa isang tao ay ginagawa niya ito para sa Panginoon.
Kung ia-apply natin sa ating kapanahunan ay maaari nating itukoy ito sa mga birthdays, anniversaries, o mga special occasions ng iglesia na pinahahalagahan natin bilang mga individual–na pawang lahat ng iyan ay sini-celebrate natin para sa Panginoon. Ang payo ay huwag nating husgahan ang mga kapatid kung meron silang pinahahalagan na ibang araw dahil ito ay kanilang ginagawa para rin sa Panginoon.
Ang intention ni Pablo sa kapitulong ito ay ang pagbibigay ng tolerance sa mga kapatid na sincere na nagpapahalaga sa ilang ceremonial days and activities na kinagisnan nila sa Judaismo. After all, ginagawa nila ito para sa Panginoon.
Kokontra sa kaugalian ng Panginoong Jesus at Apostol Pablo
Hindi rin maaaring ikapitong araw na Sabbath ang pinag-uusapan sa talata sa dahilang ito ay maiiba sa turo at kaugalian ni Pablo tuwing araw ng Sabbath (Acts 17:2), at gayon din sa kinaugalian ng ating Panginoong Jesus (Luke 4:16), at lalu na sa pagpapahalagang ginawa mismo ng Dios para sa ikapitong araw (Genesis 2:3).
Dios ang nagpasya para sa ikapitong araw na Sabbath bilang pangilin
Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath,
Isaiah 58:13-14
sa paggawa ng iyong kalayawan sa Aking banal na araw;
at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan,
at marangal ang banal na araw ng Panginoon,
at ito’y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad,
ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita;
14 kung magkagayo’y malulugod ka sa Panginoon,
at pasasakayin kita sa mga matataas na dako sa lupa;
at pakakainin kita ng mana ni Jacob na iyong ama,
sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon.”
Maliwanag sa talata ng Isaias 58:13-14 na ang ikapitong araw na Sabbath bilang araw ng pangilin ay itinakdang araw ng Panginoon mismo. Hindi tao ang nagtakda nito.
Ang Roma 14:5 ay hindi nagbibigay ng kapasyahan sa tao na tao na ang pipili ng kanyang araw na banal kapalit ng ikapitong araw na sabbath ng Dios. Ang Biblia ay consistent sa pagtuturo na Dios ang nagpasya kung anong araw sa loob ng isang linggo ang ibinukod na banal–araw ng pangilin (Genesis 2:3).
Special ang araw ng Sabbath
Ang ikapitong araw lang ang bukod tanging binigyan ng Dios ng specific na pangalan sa mga araw ng nakapaloob sa isang linggo. Ang ibang araw ay tinatawag lamang sa mga katagang “unang araw o pangatlong araw o araw ng paghahanda”. Ang ikapitong araw ay tinawag na “Sabbath ng Panginoong Dios” (Isaiah 58:13). Dahil dito ang ikapitong araw ay syang tinatawag na “Lord’s day” ayon sa Biblia.
Ang pagbibigay ng special na treatment at katawagan sa ikapitong araw ay makikita rin sa mga aklat ng bagong tipan. Nagpapatunay lamang ito na nagkakaisa ang unang mga Kristiano sa pangingilin at pagpapahalaga sa ikapitong araw ng sanlinggo.
Walang tala sa Biblia na ang mga Kristiano at mga alagad ay nag-abandona ng pangingilin ng araw ng Sabbath, o pagkain ng baboy at mga karumaldumal. Ang Sunday-keeping ay naitala lamang sa historical books mula ng second century A.D., matapos mawala nang lahat ang mga unang apostles.
Walang aral ang Biblia na tao na ang pipili ng kanyang gustong araw na pangilin. Dios ang nagtakda ng araw ng pangilin, dapat lamang tayong sumunod kung talagang itinuturing natin Siyang Dios ng ating buhay.