Sa English ay may dalawang kataga na halos pareho pero ginagamit sa magkaibang unawa, ito ang “Lord’s day” at “day of the Lord”. Ang “day of the Lord” ay kalimitang associated sa judgment day, ngunit ang “Lord’s day” naman ay pumapatungkol sa isang araw ng sanlinggo.
Marami ang nagtuturo ngayon na ang “Lord’s day” na mababasa sa Revelation 1:10 ay pumapatungkol umano sa araw ng Linggo o Sunday. Maging ang Pope sa kanyang apostolic letter na Dies Domini ay in-assume niya na ang Lord’s day ay Sunday, at ito naman ay suportado ng mga evangelicals, Baptists, Born Again, Jehovah’s Witnesses, Mormons at iba pang mga samahang nagpapakilalang mga Kristiano.
Ngunit kung pag-aaralan ang mga talatang kanilang ibinibigay upang masabi na ang Lord’s day ay Sunday nga, makikitang puro assumptions lamang ang mga ito. Wala talagang talatang maibigay na nagpapahiwatig o direktang nagsasabi na ang Lord’s Day ay Sunday. Ang mga statements na ibinibigay nila na primarily may direktang pagdurugtong umano ng Lord’s Day sa Sunday ay hango mula sa tradition o church fathers, sa madaling salita ay pawang outside Bible sources.
Sa article na ito ay magbibigay tayo ng ilang mga talata na nagpapakita na mismong ang Dios ang nag-define kung ano ang araw na tinatawag Niyang kanya (o Lord’s day). Hayaan nating ang Biblia mismo ang magturo sa atin.
“If you keep your feet from breaking the Sabbath and from doing as you please on my holy day, If you call the Sabbath a delight and the Lord’s holy day honorable, and if you honor it by not going your own way and not doing as you please or speaking idle words, then you will find your joy in the Lord,”
Isaiah 58:13 NIV
Hindi lamang “Lord’s day” ang isinulat para sa seventh-day Sabbath, kundi may idinagdag pang “holy” dahil ang Lord’s day ay totoong banal, kaya tamang-tama ang “Lord’s holy day”! Ito ay sapat na, mula sa bibig mismo at pang-akin ng Dios.
“‘You must observe my Sabbaths. This will be a sign between me and you for the generations to come, so you may know that I am the Lord, who makes you holy.” Exodus 31:13 NIV
Malinaw sa dalawang talata pa lamang na inangkin ng Panginoon kung anong araw ang tinatawag Niyang Kanya. Ito ay walang iba kung ang Sabbath. Anong araw ang Sabbath? Ituloy lang po natin ang pagbasa…
“For six days work is to be done, but the seventh day is a day of sabbath rest, holy to the Lord. ”
Exodus 31:15 NIV
Dito ay maaari na nating tapusin ang article na ito dahil malinaw na malinaw mula mismo sa bibig ng ating Dios na ang araw na ikapito (Saturday) ay Sabbath na siyang tinatawag ng Panginoon na Kanya (o Lord’s day).
Lord’s Day at ang pag-aaral ng sanctuary
Itutuloy natin ang pag-aaral para sa karagdagang information para sa ikalalago ng ating buhay. Mas lalaliman natin ang pagsaliksik gamit ang contextual study.
Alam natin ang laman ng aklat ng Daniel at Revelation ay magkadugtong na mga prophecy upang gabayan ang bayan ng Dios hanggang sa mga huling araw.
Sa
“Thy way, O God, is in the sanctuary: who is so great a God as our God?”
Psalm 77:13 KJV
Kaya kung pag-aaralan natin ang sistema ng sanctuary na Dios mismo ang nagbigay ay marami tayong matutunan, tulad na lamang ng topic patungkol sa pag-aalam kung ano ang Lord’s day.
Sinadya ng Panginoon na ibigay kay Apostle John ang visions ng aklat ng Revelations sa araw ng Sabbath, ito ay para maging consistent ang Dios sa Kanyang mga aral na ibinigay na noong una pa man.
Ang mga aral na buhay na ibinigay ng Dios ay tinatawag nating spiritual food. Si Jesus mismo ay tinatawag na Word of God at Bread of Life. Ang visions na ibinigay ng Dios kay Apostle John sa isla ng Patmos ay isang pagkaing spiritual ng mga mananampalataya lalu na sa mga huling kapanahunan.
Anong araw dapat laging bago ang tinapay sa Table of Shewbread?
Sa holy place ng sanctuary ng Dios ay makikita ang Table of Shewbread na kung saan ay meron itong 12 tinapay. Ang tinapay na ito ay nananatili sa buong existence ng sanctuary. Araw-araw ay dapat laging may lamang 12 tinapay ang Table of Shewbread. Ito ay nagre-represent na ang bayan ng Dios ay hindi mauubusan ng spiritual na pagkain.
Ngunit sa ikapitong araw (Sabbath) ay inaayos ang Table of Shewbread at dapat ay fresh at bagong luto ang mga tinapay na nakalagay dito.
“Aaron must lay fresh loaves on the table each Sabbath…” Leviticus 24:8 CEV
Pagiging consistent ng Dios sa mga aral Niya noong una
Dahil sa ang Sabbath ay special na araw ng Panginoon (Lord’s holy day), nais Niyang ang spiritual food sa araw ng Sabbath ay special din. Ang spiritual food (visions) na ibinigay ng Dios kay Apostle John na tinatawag nating Revelation para sa bayan ng Dios o mga Kristiano ay nararapat lamang ibigay sa araw ng Panginoon o Lord’s day o Sabbath.
Consistent ito sa katuruan ng Dios na tuwing Sabbath dapat ay special, inaayos, at fresh ang pagkain sa templo ng Dios. Patunay rin ito na maging sa bagong tipan ay mahalaga pa rin sa Dios ang kabanalan ng Sabbath at pagsunod sa mga prinsipyo ng mga aral na itinuro Niya noong una.
Alam ng ating Panginoong Jesus na darating ang araw ay babaluktutin ng kaaway ang Kanyang mga salita, isa na dito ang pagbibigay ng ibang pakahulugan sa katagang “Lord’s day” na matagal na Niyang na-define na walang iba kundi ang ikapitong araw na Sabado.
Ganito tayo kamahal ng ating Panginoong Jesus. Malayo pa man mangyari ay nakahanda na ang katotohanang magbibigay linaw sa mga adulterated na paliwanag ng kaaway tungkol sa mga katotohanan ng Dios na maghahatid sa atin sa Tamang Landas.
Sa tulong ng pag-aaral ng sanctuary na ginamit sa aklat ng Revelation ay mas lalu nating naipagtibay na ang Lord’s day ay ikapitong araw na Sabbath at hindi Sunday.
Kung nakatulong ang article na ito sa pagpapalago ng iyong spiritual na buhay at pagsasaliksik ng katotohanan ay maaari pong i-share sa inyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Sa Dios ang papuri! Amen.