Maraming mangangaral ngayon ang pinapawalang halaga ang Sampung Utos ng Dios gamit ang iba’t-ibang pangangatwiran. Ang iba ay ipinapangaral na inalis na daw ang Sampung Utos sa panahong Kristiano at pinaltan ng kautusan ni Cristo.
Ngunit dahil sa maraming talata mula sa Biblia na nagpapatunay na nanatili ang Sampung Utos ng Dios maging sa panahong Kristiano ay inaaral naman ng iba na inamiyendahan umano ang Sampung Utos. Ang pagsagot sa reasoning na ito ang focus ng video na mapapanood sa ibaba sa article na ito.
Ang kautusan ng Dios ay “matuwid at sakdal” vs. “inamiyendahan”
Ganito ang pahayag ni Haring David sa Awit 19:7 patungkol sa kautusan ng Dios:
“The Law of the LORD is perfect; it gives us new life. His teachings last forever, and they give wisdom to ordinary people.” CEV
Ganito naman ang nakasulat sa Roma 7:12 na pahayag ni Apostol Pablo:
“Still, the Law and its commands are holy and correct and good.” CEV
Kaya ang tanong ay bakit kailangang amiyendahan ang isang “holy, correct” at “perfect” na kautusan? Dito pa lamang ay makikita na natin na taliwas ang kanilang aral sa mga talata ng Biblia.
Pagtingin sa babae na may pagnanasa noon ay hindi pa kasalanan?
Isa sa mga talatang ginagamit nila ay ang Mateo 5:27-28.
“Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.”
Ayon sa kanila ay binago na raw ang Sampung Utos dahil sa panahong Kristiano ay ang tumingin lamang sa babae na may pagnanasa ay nagkakasala na ng pangangalunya.
Sa reasoning na ito ay pinapalabas na noong panahon ng Lumang Tipan kapag ang isang lalake ay tumingin ng may pagnanasa sa isang babae ay lumalabas na hindi pa nagkakasala. Kung ganito ang sitwasyon noon, anong klaseng community ang aasahan natin sa ganitong taliwas na pangangatwiran? Magulo at kawawa ang mga kababaihan! Definitely, ang kanilang reasoning ay isang baluktot na aral!
Pangangalunya ng puso ay bagong utos?
Sa Numbers 15:39 ay mababasa natin ang ganito:
“… upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siya ninyong ipinangaapid.” TAB
Malinaw na sa Lumang Tipan pa lamang ay itinuturing na na kasalanan ang pakikiapid sa pamamagitan ng mata o pagtingin. Dahil dito ay maling ituro na may pag-aamienda sa Sampung Utos o may binago. Ang kanilang conclusion ay hango sa malikot na pagkaunawa sa Mateo 5:27-28 at pagtatakip-mata laban sa katotohanang mababasa sa Numbers 15:39.
Ang pagkapoot bilang kasalanan ay bagong utos?
Isa pang talata na kanilang ginagamit upang ituro na may pag-aamiyenda sa Sampung Utos ay ang mababasa sa Mateo 5:21-22:
“Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan: Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan…” TAB
Tulad ng inaasahan ay hindi ito bagong utos. Sa Kawikaan 19:19 ay malinaw nang itinuturo na ang pagkapoot ay kasalanan na:
“Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka’t kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.” TAB
Paggalang sa lahat ng tao ay bagong utos?
Isa pang talata na kanilang ginagamit upang ituro na umano ay may pag-aamiyenda sa kautusan ng Dios ay mababasa sa 1 Pedro 3:17:
“Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.” TAB
Dahil sa ang nakalagay sa Sampung Utos ay “igalang ang ama’t ina” at sa sulat naman ni Pedro ay “igalang ang lahat ng mga tao” ay pinakahulugan nila na may pagbabago nga sa kautusan ng Dios.
Muli ay pinapakita ng kanilang reasoning na noong Lumang Tipan ay hindi pa utos ang paggalang sa lahat ng mga tao. Kung ganito ang sitwasyon noon ay anong klaseng community ang makikita natin? Magulo at walang galanganan sa isa’t-isa, maliban sa paggalang sa ama’t ina lamang! Sa paggamit pa lamang ng common sense ay malinaw na baluktot ang kanilang pangangatwiran.
Tulad ng inaasahan ay mababasa maging sa Lumang Tipan pa na ang paggalang sa kapwa ay dati nang utos. Ganito ang nakasulat sa Levitico 19:18:
“Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.”
Ang pagibig at paggalang sa kapwa ay matagal ng utos, kaya nga mali na iaral na may pag-aamiyenda sa Sampung Utos ng dahil sa isinulat ni Pedro sa 1 Pedro 3:17. Ang ganoong pangangatwiran ay hango sa malikot na kaisipan. Inilalagay nila sa bibig ni Pedro ang hindi naman niya isinulat o sinalita.
Isang utos pa lamang ay malawak na
“Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni’t ang utos mo’y totoong malawak. ” Awit 119:96 TAB.
Ang kautusan ng Dios ay hindi dapat iniuunawa sa isang makitid at limitadong pamamaraan o sa letra lamang. Isang utos pa lamang ay may malawak na itong sakop dahil kinukuha rin ang prinsipyo na ibinibigay ng bawat utos. Kaya kung halimbawa ay sinabi ng kautusan na “huwag kang papatay” ay kasama dito ang pagbabawal sa paninigarilyo at pag-abuso sa katawan, dahil ang mga ito ay unti-unting pagpatay sa sarili.
Ano ang tamang unawa sa mga talata ng Mateo 5?
Kung walang pag-aamiyendang ipinapakita ang mga talata ng Mateo 5 ay bakit sinasabing “Narinig ninyo noon… datapwat sinasabi ko ngayon”?
Makukuha ang tamang unawa sa mga talatang pinag-uusapan sa Mateo 5 kung babasahin muna ang nakasulat sa Mateo 5:20:
“Sapagka’t sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.” TAB.
Karamihan sa mga Pharisees at mga “teachers of the law” noong panahon ng Panginoong Jesus ay sa letra lamang ng kautusan kung sumunod. Kapag wala na sa letra ng kautusan ay ina-assume na hindi ito kasalanan, therefore maaring gawin. Ganito rin umunawa ang mga mangangaral ngayon na ayaw sa Sampung Utos ng Dios. Nang dahil daw walang nakasulat sa Sampung Utos na ‘bawal ang pagsa-shabu o panonood ng pornography” ay inisip at itinuro na na kulang nga ang Sampung Utos at dapat daw ay amiyendahan.
Isa rin sa maling paraan ng mga Fariseo ay ang panlabas na righteousness, ngunit kung susuriin ang kung ano ang nasa puso ay puro kasamaan ang laman. Ang sabi ng Panginoong Jesus, hangga’t katulad tayo ng mga Fariseo at mga bulaang mangangaral kung umunawa at sumunod sa kautusan ng Dios ay kailanman ay hindi tayo makakapasok sa langit na bayan.
Sa 1 Samuel 16:7 ay mababasa natin na ang Dios ay hindi lamang sa panlabas tumitingin.
“… sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso.” TAB.
Ito yaong pinupunto ni Jesus sa Mateo 5, na ang pagsunod sa kautusan ng Dios ay nagmumula sa puso. Ang “pagtingin sa babae na may pagnanasa” at ang “pagkapoot” ay pawang sa puso (o isipan) nagaganap. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus ang mga katagang “narinig ninyo noong una… ngunit sinasabi ko sa inyo ngayon”, at ito ay upang bigyan ng pagkakaiba ang pamamaraan ng mga Fariseo laban sa totoong aral ng Dios sa pagsunod sa Kanyang mga kautusan.
Ito ay ilan lamang sa mga patunay na mali ang iniaaral ng ibang mga mangangaral na may pagbabago o pagaamiyenda umano sa Sampung Utos sa panahon ng Kristiano.
Panoorin ang buong video sa pagtalakay ni Ka Menong at Bro. Johnson Amican sa naturang paksa sa isang episode ng programang “Nasusulat”.