Canonical Books vs. Apocrypha
Ang salitang Bible ay mula sa Koine Greek na τὰ βιβλία, tà biblía o “the books”, at ito ay isang canonical collection.
Kapag sinabing canonical o canon ito ay kinukunsidera na “a general law, rule, principle”. Ang isa pang kahulugan ng salitang canon ay “a collection or list of sacred books accepted as genuine”.
May ibang kinikilala ang ilang pananampalataya na bahagi daw ng Biblia subalit sa kasaysayan ito ay hindi talaga kasama sa canonical collection dahil napansin na may mga laman ito na hindi genuine. Ito ang tinatawag na apocryphal writings, na ang kahulugan ay “a story or statement of doubtful authenticity”.
Ang term na ginagamit ng Iglesia Katolika sa mga apocryphal writings ay “deuterocanonical books”.
Ang Biblia sa Judaismo at Kristianismo
Ang Biblia ay collection ng mga aklat na kapuwa ginagamit ng Judaism at Christianity. Ang Biblia ay applicable sa lahat ng uri ng tao, dahilan kung bakit nila tinawag ito na general law matapos na ma-canonized.
Ang Hebrew Bible or Tanak ay naglalaman ng dalawampung aklat na nahahati sa tatlo:
- Limang aklat ng Torah na isinalin na “teaching or law”, sa tagalog ay kautusan.
- Ang pangalawa ay tinatawag na Nevi’im na ang ibig sabihin ay prophets.
- Ang pangatlo naman ay Ketuvim na ang ibig sabihin ay writings.
Sa mga Protestanteng Kristiyano naman ay merong animnapu’t-anim (66) na mga aklat:
- Ang unang bahagi ng Biblia ng mga Kristyano ay ang Old Testament na naglalaman ng tatlumpo’t siyam (39) na aklat
- Ang New Testament naman ay naglalaman ng dalawampu’t pito (27) na mga aklat, kasama dito ang tinatawag na the Four Canonical Gospel, Acts of the Apostles, twenty-one Epistles or letters, at ang aklat ng Apocalipsis.
Paano nagkaroon ng chapters at verses?
Ang unang Biblia ay walang mga kapitulo o chapters. Noong 13th century nilagyan ito ng mga chapters ni Stephen Langton, isang Cardinal. Noon namang 16th century ay nagkaroon na ito ng mga talata o verses sa pamamagitan ng isang French printer na si Robert Estienne, isang classical scholar ng Paris na naging protestante. Siya ang unang nag imprinta ng Biblia na may mga talata kung kaya naging madali sa atin ngayon na tandaan ang mga mahahalagang pangungusap na ating nababasa at madali natin itong nasisipi dahil sa paraang ginawa nila.
Ang Biblia ay itinuturing na pinakamabiling aklat sa buong kasaysayan. Ang annual sales nito ay umaabot ng 100 million copies, Ito din ang aklat na may pinakamalawak na impluwensya sa buong kasaysayan.
Maraming mga buhay ang nabago at maraming mga tao ang nabigyan ng pag-asa dahil sa aklat na ito. Nakatulong ito ng malaki upang mahadlangan ang tuluyang paglala ng kasamaan sa mundo.
Ang Biblia para sa mga Seventh-Day Adventists
Ang basehan at doctrina ng mga Seventh-day Adventists (SDAs) ay hango sa Biblia at wala nang iba. Walang doctrina ang SDA kahit isa na hindi ibinatay sa Salita ng Dios (Biblia).
Marami ang bumabatikos na mga mangangaral at patuloy na tumutuligsa sa SDAs sapagkat diumano ay meron tayong sariling doctrina na galing kay Mrs. Ellen G. White, subalit wala itong katotohanan.
Si Ellen White, James White at ang Biblia
Si Ellen G. White, kinikilalang mensahero ng mga SDAs, ay may magandang pahayag tungkol sa Biblia:
“I recommend to you, dear reader, the Word of God as the rule of your faith and practice. By that Word we are to be judged. God has, in that Word, promised to give visions in the “last days”; not for a new rule of faith, but for the comfort of His people, and to correct those who err from Bible truth”. Experience and Views, p. 64. (See also Early Writings, p. 78.)
Ang statement na ito ay kanyang pinanghahawakan mula sa kanyang unang pagsulat hangang sa huling sandali ng kanyang buhay.
Noong 1885 siya ay muling sumulat ng ganito.
“The Bible, and the Bible alone, is to be our creed, the sole bond of union; all who bow to this holy word will be in harmony.”
Sa kanyang last presentation sa 1909 General Conference Session, sa panghuling bahagi ng kanyang pagsasalita habang hawak nya sa kanyang kamay ang Biblia ay sinabi nya ang ganito:
“Brethren and Sisters, I commend unto you this Book.”
At para naman sa kanyang mga kasamahang nanguna sa Seventh-day Adventist Church ay sumulat din siya ng ganito:
“We then took the position that the Bible, and the Bible only, was to be our guide; and we are never to depart from this position…”
“Little heed is given to the Bible, and the Lord has given a lesser light to lead men and women to the greater light.”—Review and Herald, Jan. 20, 1903, p. 15.
Ang asawa nya na si James White, isa sa mga pangunahing leaders ng iglesia, ay sumulat din ng ganito sa aklat na pinamagatang “In A Word to the “Little Flock, p. 13” the first publication of Sabbatarian Adventists:
“The Bible is a perfect and complete revelation. It is our only rule of faith and practice.”
Matapos ang 9 na taon ay muling sinabi nya ang ganito:
“I still say that the Bible is my rule of faith and practice, and in saying this, I do not reject the Holy Spirit in its diversity of operations.”
Ang ganitong pananaw ay sinasang-ayunan ng mg SDAs saan mang panig sila ng mundo naroroon. Naninindigan sila na tanging Biblia at Biblia lamang ang lubos na batayan sa pananampalataya at katotohanan.
Ilang pagtalikod at ang naitulong ng Biblia
Noong nagsisimula ang ilang pagtalikod sa iglesia ay sinabi ni Gng. White ang ganito:
“In our time there is a wide departure from their [the Reformers’] doctrines and precepts, and there is need of a return to the great Protestant principle—the Bible, and the Bible only, as the rule of faith and duty. . . . God will have a people upon the earth to maintain the Bible, and the Bible only, as the standard of all doctrines and the basis of all reforms.”
Kaya sa mga tapat na tagasuri ay alam nila na ang Seventh-day Adventist ay nanghahawakan sa tinatawag na SOLA SCRIPTURA- THE BIBLE AND THE BIBLE ALONE.
Bilang karagdagan ay mayroon pang binanggit si Gng. White na ganito:
“The Bible alone should be heard from the pulpit.” Prophets and Kings pg.626.
Hindi nya ikinatuwa kung may tao na bukod sa Biblia ay may iba pang pinagbabasehan ng mga doctrina.
Mga misrepresentation at misinterpretation
Bagaman totoo na may mga members sa SDA Church na sobra ang pagpapahalaga sa mga sulat ni Gng. White (tinatawag na Spirit of Prophecy books o SOP), subalit malinaw na mismo sa kanya at kanyang asawa galing na dapat Biblia at Biblia lamang.
Ang mga gayong tao ay hindi totoong sumusunod sa pamantayan ng mga nanguna sa pananampalatayang Adventista. Hindi layunin ni Gng. White na gawing kapantay o mas mahalaga ang kanyang mga sinulat kaysa sa Biblia.
Dahil sa misrepresentation at labis na pagpapahalaga sa SOP ay marami din ang mga websites na naglalaman ng maling impormasyon tungkol sa pananampalatayang Adventist. Iniisip nila na ang SOP books ay ibang aklat bukod sa Biblia na pinagbabatayan ng mga doctrina ng mga SDAs.
Totoo na meron tayong mga dating kasamahan na humiwalay at mas itinataas ang SOP na halos kapantay na ng Biblia o minsan mas higit pa. Labag iyon sa kagustuhan ni Ellen White.
SOP walang sariling liwanag
Ang SOP ay walang sariling liwanag sa ganang kanya. Ang tanging laman nito ay pag-discuss ng mga aral na sa Biblia mismo makikita at kinuha.
Maaring maihalintulad ito sa buwan na nagre-reflect lamang ng liwanag galing sa araw.
Sa mga nakapagbasa na ng Desire of Ages o ng Steps to Christ (mga aklat sa SOP) ay sila mismo makakapagpatunay na mas lalu nilang na-appreciate ang Biblia at ang pagibig ng Dios. Mas nae-excite silang balikan ang Biblia, at kapag ito ay kanilang binasa ay mas lalung lumalawak ang pang-unawa nila sa Biblia.
Para maiwasan ang di pagkakaunawaan ay minumungkahi na ang mga aklat ni Gng White ay huwag gamitin sa public mass evangelism. Ngunit hindi naman pinagbabawalan ang iba na gamitin sa personal na pagse-share o pag-aaral ng Biblia.
Magkaisa nawa tayo sa paniniwala na Biblia lang ang ating pagbabatayan pagdating sa kaligtasan, at ang ibang mga aklat ay pangsusog na lamang.
Ang pagbabasa ng Biblia ay napakahalaga. Ito ay nagbibigay ng karunungan sa tao (2 Timoteo 3:15) at sumasaway sa ikatututo na nasa katuwiran (v. 16.)