Karaniwan ng rason ng mga mangangaral na ayaw sa pangingilin ng ikapitong araw na Sabbath ay ang iaral na wala raw halimbawang ipinakita si Apostol Pablo bilang Kristiano tungkol sa pangingilin at pagsamba sa Dios tuwing ikapitong araw na Sabbath.
Ang mga talatang ginagamit ng mga sabbath-keepers na matatagpuan sa New Testament upang patunayan ang pagpapatuloy ng pagiging banal ng araw ng Sabbath maging sa panahong Kristiano ay hindi raw sapat dahil hindi raw pagsamba ang ginawa doon kundi pangangaral lamang.
Ang tugon nila ay wala raw halimbawang pinakita si Apostol Pablo na sumamba siya sa Dios sa ikapitong araw na Sabbath.
Ngunit malinaw ang nakasulat sa Acts 17:1-3 na may pagsambang ginawa si Apostol Pablo sa araw ng Sabbath.
Hindi lamang sa ginamit ni Apostol Pablo ang pagkakataon na hikayatin ang mga nasa templo sa tamang aral at pagsunod kay Kristo, ngunit malinaw rin sa talata na kaugalian niya ang pumunta sa templo tuwing Sabbath (o Sabado) upang mangilin at sumamba sa Dios.
So as usual, Paul went there to worship, and on three Sabbaths he spoke to the people. He used the Scriptures
Acts 17:1-3 CEV
Nawa ay nakatulong ang maikling pag-aaral na ito na totoong may ibinigay na halimbawa si Apostol Pablo ng pagsamba sa Dios tuwing araw ng Sabbath. Si Apostol Pablo ay isang Kristiano at Sabado ang kanyang pangingilin. Hindi ba’t dapat rin nating tularan si Apostol Pablo?