Marahil ay narinig mo na ang mga ganitong pangangatwiran:
- Hindi daw sinusunod ng mga SDAs ang totoong utos ukol sa Sabbath dahil marami sa mga SDAs ay patuloy pa rin sa paggawa samantalang ang utos ay “bawal ang anumang gawa” sa araw ng Sabbath.
- Sinira daw ni Jesus ang utos sa Sabbath dahil noong lumang tipan ang utos ay “bawal ang anumang gawa” sa araw ng Sabbath ngunit nagpagaling si Jesus ng mga maysakit sa araw ng Sabbath.
- Hindi raw nangilin ng Sabbath ang Panginoong Jesus dahil nagpagaling Siya sa araw ng Sabbath, samantalang ang utos ay “bawal ang anumang gawa”.
Mababasa kasi sa saling Tagalog sa Exodo 20 ang salitang “anumang gawa” na hindi pwedeng gawin sa araw ng Sabbath, at kapag sinuway ay dapat kamatayan ang parusa sa pamamagitan ng pagbato.
“Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa…” Exodo 20:10 TAB.
Ang ganitong pangangatwiran ay naririnig natin kalimitan kay Mr. Soriano at sa kanyang mga tagahanga. Ito ang ating sasagutin sa article na ito.
Common sense
Kung gagamitan lang muna ng common sense ay makikita natin na katawatawa ang ganoong pagkaunawa sa talata. Halatang hindi ginamitan ng common sense, o kaya naman ay sadyang pinakitid ang unawa upang maipilit ang maling aral.
Ang mga paring Levita na gumagawa sa templo sa araw ng Sabbath ay numero unong lalabag sa maling reasoning na ito. Ang kanilang paggawa sa araw ng Sabbath ay sakop sa “anumang gawa” kung susundin ang pang-unawa ni Eli Soriano. Kaya nga dahil sa maling aral na ito ay lalabas na dapat tuwing Sabbath ay maraming Levita ang binabato upang mamamatay.
Ngunit alam natin na hindi ito ang totoong nangyari. Alam kasi ng mga Judio na ang “anumang gawa” sa Exodo 20 ay may partikular na kahulugan.
Pag-unawa ng talata gamit ang meaning ng original na salita
Ang salitang Hebreo na ginamit sa “work” o “gawa” ay מלאכה (mel-aw-kaw’), na ayon naman sa Strong’s concordance ay ganito ang kahulugan:
“… generally employment (never servile) or work (abstractly or concretely); also property (as the result of labor): – business, + cattle, + industrious, occupation, (+ -pied), + officer, thing (made), use, (manner of) work ([-man], -manship).”
Malinaw na ang “anumang gawa” ay patungkol sa mga gawaing business o commerce o paghahanapbuhay.
Sinususugan ito ng kaganapan sa Jeremiah 17 na kung saan ay sinaway ni Propeta Jeremiah ang mga Judio na nagsasagawa ng business transactions sa mga gates ng Jerusalem sa araw ng Sabbath. Sa mga gates isinasagawa noon ang mga trading.
“‘But if you listen to me, declares the LORD, and bring in no burden by the gates of this city on the Sabbath day, but keep the Sabbath day holy and do no work on it, then there shall enter by the gates of this city kings and princes who sit on the throne of David, riding in chariots and on horses, they and their officials, the men of Judah and the inhabitants of Jerusalem. And this city shall be inhabited forever.” Jeremiah 17:19-27 KJV.
Ang orihinal na salitang ginamit sa “gawa” sa talata sa itaas ay “melawkaw” din, tulad ng sa Exodo 20:10. Sa Nehemiah 13:15 ay nilinaw ng Biblia kung ano ang meaning ng “burden” na hindi dapat dalhin sa gates sa araw ng Sabbath.
“In those days saw I in Judah some treading wine presses on the sabbath, and bringing in sheaves, and lading asses; as also wine, grapes, and figs, and all manner of burdens, which they brought into Jerusalem on the sabbath day: and I testified against them in the day wherein they sold victuals.”
“There dwelt men of Tyre also therein, which brought fish, and all manner of ware, and sold on the sabbath unto the children of Judah, and in Jerusalem”
“Then I contended with the nobles of Judah, and said unto them, What evil thing is this that ye do, and profane the sabbath day?” Nehemiah 13:15-17 KJV.
Malinaw na pinakita sa atin mula mismo sa mga talata ng Biblia na ang ipinagbabawal na “anumang gawa” ay mga gawaing may kinalaman sa komersiyo o paghahanapbuhay.
Kahit paggawa ng mabuti ay bawal?
Sa Isaiah 58:13-14 (ESV) ay mababasa natin ang ganito:
“If you turn back your foot from the Sabbath, from doing your pleasure on my holy day, and call the Sabbath a delight and the holy day of the LORD honorable; if you honor it, not going your own ways, or seeking your own pleasure, or talking idly; then you shall take delight in the LORD, and I will make you ride on the heights of the earth; I will feed you with the heritage of Jacob your father, for the mouth of the LORD has spoken.”
Ang pagtukoy sa Sabbath bilang kaluguran, ang pagtrato sa Sabbath bilang karangalan ay pawang mga gawain na pwedeng gawin sa araw ng Sabbath. Ang mga gawaing ito ay may kinalaman sa pagpupuri at pagsamba sa Dios. Ito ang mga gawaing maaaring gawin sa araw ng Sabbath, at ito ay itinuro maging noon pang lumang tipan.
Paglilinaw at halimbawa ni Jesus
Mas lalu itong nilinaw ng Panginoong Jesus ng ipakita Niya ang tamang paraan ng pangingilin ng Sabbath.
Nakita natin na ang pagpapagaling, pagtulong sa kapwa, at iba pang gawaing mabuti na nakalulugod sa Dios ay pu-pwedeng gawin sa araw ng Sabbath at ito ay bahagi ng pangingilin ayon na mismo sa mga halimbawang pinakita ng Panginoong Jesus.
Hindi ito bago o pag-amienda sa kautusan sa Sabbath dahil maging noon pa mang lumang tipan ay sadyang layunin na ng Dios na ang Sabbath ay ginawa para sa ikagiginhawa ng sangkatauhan (Mark 2:27).
Bakit may pagtutuwid na binigay ang Panginoong Jesus sa pangingilin ng Sabbath?
Dahil sa kagustuhan ng mga Judio na lubos na maipangilin ang Sabbath ay gumawa sila ng mga alituntunin o dagdag na mga kautusan sa kung paano ipapangilin ang Sabbath. Ang mga kautusang ito ay tinawag na rabbinical laws at nakapaloob sa Talmud. Hindi ito makikita sa Biblia.
Ito ang mga samut-saring mga pagbabawal na binuo ng mga rabbis sa layuning maingatan ang araw ng Sabbath, ngunit mas lalu itong nakapagpalayo sa totoong layunin ng Dios sa Sabbath. Naging legalista ang mga tao sa pagsunod. Naging pabigat sa kanila ang Sabbath, at ito ang kultura o tradition na dinatnan ng Panginoong Jesus at Kanya namang itinuwid.
Sa maikling article na ito ay nakita natin na ang “anumang gawa” ay may pinatutungkulan lamang na kahulugan at ito ay mga gawaing pansariling lakad at paghahanapbuhay. Ang pagtulong sa kapwa, pagpapagaling, pangangaral, pagbisita sa mga orphans, pagdalaw sa mga may sakit, pagsamba sa Dios at iba pang mga gawaing nakalulugod sa Dios ay maaaring gawin sa araw ng Sabbath.
Kaya nga hindi sinira ni Jesus ang utos sa Sabbath sa Kanyang pagpapagaling, bagkus ay itinuwid lamang Niya ang maling unawa ng mga tao noon sa kung paano ang tamang pangingilin ng Sabbath.