Sa Biblia ay may dalawang orihinal na salitang ginagamit patungkol sa mga pwedeng kainin at hindi pwedeng kainin. Ito ay ang bromah (malinis) at akatharton (marumi o karumaldumal).
“akatharton” (Gk. ακαθαρτον) – foul, unclean, forbidden (Acts 11:8)
“bromah” (Gk. βρῶμα) – allowed meat, clean, food (1 Corinthians 10:3)
Ano ang pinag-uusapan sa Marcos 7:19, bromah o akatharton?
Isa ang Marcos 7:19 sa paboritong gamitin ng mga Kristiano na ipinapangaral na pwede na raw kainin ang mga ipinababawal noon.
“Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain.” TAB
Ang salitang “pagkain” sa Marcos 7:19 ay “meat” ang pagkakasalin sa English. Sa original na language ay bromah ang pagkakasulat.
“οτι ουκ εισπορευεται αυτου εις την καρδιαν αλλ΄5 εις την κοιλιαν και εις τον αφεδρωνα εκπορευεταιG1607 καθαριζον παντα τα βρωματα” LXX Septuagint.
Ibig sabihin ay ‘malinis na pagkain’ ang nasa isip ni Jesus sa topic na iyon. Walang akatharton na nilinis sa Marcos 7:19. Kung magkagayon ay ganito ang mababasa natin:
“Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng bromah (malinis).”
Bakit lilinisin ang malinis (bromata)?
Bakit lilinisin ang malinis na? Ayon po kasi sa context ng Marcos 7 ay nadumihan ang bromah (malinis) dahil sa kamay na hindi nahugasan.
“At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga’y mga kamay na hindi hinugasan.” Marcos 7:2
Kultura kasi ng mga Judio na magiging ceremonially unclean ang mga pu-pwede naman ngunit nadumihan.
Marcos 7:3 (Sapagka’t ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali’t-saling sabi ng matatanda;
Mar 7:4 At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.)
Dahil sa nadumihan na ay hindi na dapat kainin o gamitin. Ang sabi sa talata ay hindi makakaapekto directly sa kaligtasan ng tao iyong pagkain na nadumihan ng maruming kamay.
Tinapay at hindi baboy (o anomang akatharton) ang pinag-uusapan sa Marcos 7:19
Dahil sa paggamit natin ng original na salitang ginamit ay mas malinaw sa atin ngayon kung ano ang pinag-uusapan sa talata tulad nitong sa Marcos 7:19, wala palang akatharton na pinag-uusapan dito.
Kaya mali na i-aral na nilinis na daw ni Jesus ang mga akatharton (o itinuturing na marumi bilang pagkain) kasama ang baboy, alamang, crab, pating, shrimp, aso, ahas, etc.
Dagdag pa nito ay “tinapay” ang pinag-uusapan sa Marcos 7, hindi baboy, aso o anu pamang akatharton.
“At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga’y mga kamay na hindi hinugasan.” Marcos 7:1 TAB
Idinagdag ng mga tagapagsalin
Kung titingnan ang mga naunang salin ng Biblia tulad ng King James Version ay wala dito ang mga katagang “dahil dito ay nililinis na ni Jesus ang lahat ng pagkain”. Ito ay idinagdag na lamang ng mga tagapagsalin.
“Because it entereth not into his heart, but into the belly, and goeth out into the draught, purging all meats?” KJV
Nawa ay maluwalhati natin ang ating Manlalalang maging sa ating pagkain.
“Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios. ” 1 Corinto 10:31.
Ang Dios ang dapat nating sundin at hindi ang ating panlasa o tiyan.
“Kapahamakan ang kahihinatnan nila dahil dinidios nila ang kanilang tiyan.” Filipos 3:19
Ipinapakita rin sa atin ni Isaias na ang pagkain ng baboy at iba pang hindi dapat kinakain ay isa sa mga activities na ginagawa ng mga hahatulan ng Dios sa kapahamakan.
“Ang sabi ni Yahweh, “Malapit na ang wakas ng mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, sumasama sa nagpuprusisyon patungo sa mga sagradong hardin, at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na marumi.” Isaiah 66:17 MBB.
Tandaan po natin na nahulog si Adan at Eba sa pagkakasala dahil sa pagkain.