1 Corinto 16:1-2: Abuluyan sa loob ng iglesia o pag-iipon ng ambag sa kanya-kanyang tahanan?

pagaralannatin 1 corinthians 16

“Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia. Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa’t isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.”

1 Corinto 16:1-2 TAB

Ang 1 Corinto 16:1-2 ay malimit ginagamit upang patunayan na Linggo na umano ang araw ng pangingilin at pagsamba ng mga unang Kristiano kapalit ng ikapitong araw na Sabbath ng Dios dahil sa may bigayan daw ng offering na naganap.

Karaniwan itong inuunawa bilang regular na abuluyan o offering sa loob ng iglesia kaya nagpapakita daw na unang araw na ng sanlinggo ang pangingilin ng mga Kristiano noon pa mang panahon nila Apostol Pablo.

Sa article na ito ay ipapakita natin kung bakit mali ang ganitong interpretation at totoong pambabaluktot sa mga talata ng Biblia.

Ambagan para sa Jerusalem at hindi para sa lokal na iglesia sa Corinto

“At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem:”

1 Corinto 16:3 TAB

Kung ito ay regular na abuluyan sa isang lokal na iglesia, dapat sana ay ang malilikom ay magagamit para sa lokal o mga karatig na iglesia sa Corinto.

Sa Acts 11:27-29 ay makikita kung bakit may ambagang ginawa.

“Nang mga araw ngang ito ay may lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem. At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang Agabo, at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan: na nangyari nang mga kaarawan ni Claudio. At ang mga alagad, ayon sa kaya ng bawa’t isa, ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga kapatid na nangananahan sa Judea:”

Nagkaroon ng tagutom sa Judea kaya nangangailangan ng tulong mula sa iba’t-ibang iglesia. Kasama na ang iglesia sa Galacia at Corinto na pinakiusapan ni Apostol Pablo na tumulong.

Nagpapakita lamang ito na ang paglikom ng pera ay isang special na ambagan, kaya nga’t ang kanilang masimpan na pagbubukod ng ambag na ginawa sa unang araw ng sanlinggo pa lamang ay hindi regular na pangingilin kapalit sa Sabbath.

Ang pagbibigay ng offering ay hindi panlilimos

“At nang makaraan nga ang ilang mga taon ay naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain…”

Mga Gawa 24:17 TAB

Ang regular na abuluyan sa mga local na iglesia ay kailan man hindi tinatawag na limos. Nagpapatunay lamang ito na muli ay hindi regular na pagsamba ang ginawa sa 1 Corinto 16:1-2.

Linggo ang umpisa ng pag-iipon ng iaambag, hindi actual na pagbibigay

Tingnan natin ang iba’t-ibang translations ng Biblia upang mas lalung maunawaan ang itinuturo ng mga talata.

“On the first day of every week, each one of you should set aside a sum of money in keeping with your income, saving it up, so that when I come no collections will have to be made.”

1 Corinthians 16:2 NIV

“On the first day of every week, each of you is to put something aside and store it up, as he may prosper, so that there will be no collecting when I come.”

1 Corinthians 16:2 ESV

Ang pag-iipon ng iaambag nila ay ginagawa sa unang araw pa lamang ng sanlinggo. Kung may kinita sila sa ikalawang araw o ikatlo at gustong dagdagan ang kanilang ambag ay maaari nilang gawin dahil hanggang sa puntong iyon ay nag-iipon pa lamang sila ng iaambag.

Nagpapakita lamang ito na maaaring ang actual ng pagbibigay ng ambag ay hindi sa araw ng Linggo. Kaya nga’t ang ambagan ay hindi regular na abuluyan na ginagawa sa panahon ng pagsamba.

Hindi sa loob ng iglesia kundi sa kanya-kanya bahay

“On every Sunday, let each person of you lay aside in his house and keep that which he can, so that when I come there will be no collections.”

1 Corinthians 16:1-2 rAramaic Bible in Plain English

“On [the] first of [the] week let each of you put by at home, laying up whatever [degree] he may have prospered, that there may be no collections when I come.”

1 Corinthians 16:1-2 Darby Bible Translation

“On the first day of every week let each of you put on one side and store up at his home whatever gain has been granted to him; so that whenever I come, there may then be no collections going on.”

1 Corinthians 16:1-2 Weymouth New Testament

Malinaw sa mga talatang naisulat sa itaas na ang pagbabanggit ng ‘unang araw ng sanlinngo’ ay hindi nagpapatotoo na may pagpupulong na naganap, kundi sa kaniya-kaniyang bahay at ang gagawin ay hindi para ibigay ang ambag kundi umpisa ng pag-iipon.

Conclusion

Ang payo ni Apostol Pablo sa mga iglesia na willing magbigay ng ayuda sa mga kapatid sa Jerusalem na nakakaranas ng taggutom ay sa unang araw pa lamang ng sanlinggo ay maaari na silang mag-ipon ng ambag nila.

Ang pag-iipon o pagpapasya kung magkano ang ibibigay ay gawin sa kanya-kanyang tahanan at maaari itong umpisahan sa unang araw pa lamang ng sanlinggo.

Wala sa talata ng 1 Corinto 16:1-2 na may pagpupulong o pangingilin o pagsamba ang mga kapatiran na ginawa sa araw ng Linggo upang umano ay iabot ang kanilang ambag.

Ang nalikom ay hindi rin napupunta sa mga gastusin o pagpapahayag ng evangelio sa local na iglesia bagkus ay napupunta sa mga kapatiran sa Jerusalem.

Ang ginawa nila sa unang araw ng sanlinggo pa lamang ay isang special na ambagan at hindi regular na offering sa panahon ng pagsamba o pangingilin kapalit sa ikapitong araw na Sabbath ng Dios.

Ibalik natin ang papuri sa Dios sa pagkaalam ng katotohanang ito!